Bata pa kame, tatlong pa lang kameng magkakapatid noon si Tatay na ang madalas nameng kasama sa bahay. Si Nanay kase ay nagtatrabaho, at si Tatay naman ay namamasada ng kanyang tricycle. Kapag may meeting sa school si Tatay ay uma-attend. In short mas mahaba ang time na siya ang kasama namen kumpara sa Nanay namen.
Pero lumaki kame na si Tatay ay taga-disiplina, bawal kame makipagpalaro sa kalye, bawal kame makitulog (sleepover) sa bahay ng mga pinsan, bawal kameng lumaboy ng lampas ng 6pm. Bilang bata, syempre nakakainis di ba? Pero ang kagandahan sa kanya galante sa aming magkakapatid. Mas madali kameng makahingi ng pera kumpara sa Nanay namen.
Noong lumalaki na kame at naging apat na magkakapatid, nagsimula na din na sumasagot-sagot ako sa kanya. May mga bagay kase sya na para sa akin ay taliwas sa paniniwala ko. Natuto na akong sumagot o mangatwiran sa kanya. Sabi nga nila kapag sumasagot ako pwede daw ako maging attorney paglaki ko dahil palasagot ako. Pero I'm proud to say na never kong minura ang magulang ko, siguro lang ako yong tipong kailangan ko sumagot kung sa isip ko tama naman ang sasabihin ko. Ganyan naman tayo di ba? At isa pa noon time natin, kapag nangatwiran ka sa magulang ay mortal sin....
Hanggang sa kame ay naging teenagers na, lagi kameng magkatalo ni Tatay. In short palagi kame magka-kontra pelo. Iyon siguro ang dahilan kaya di kame naging super close ni Tatay, sya masungit ako naman palasagot. hehehehe
Yong ganong set up normal na sa amin iyon, dahil pareho nameng hindi dinidibdib ang mga di namen pagkakasundo. Noong may work na ako, binibigyan ko sya ng pera kapag may mga occassions sine-celebrate namen. Basta kahit di kame super close masasabi ko naman na di rin ako magka-away.
Kahit noong mag-asawa na ako, sa kanila pa din ako nakatira (3rd floor kame pinatira sarili lahat). May mga pagkakataon pa rin na di kame magkasundo, especially noon ma-stroke sya, lalo syang masungit at mairitahin. Ewan ko ba naman din sa aken, pumapatol ako sa bad moods ni Tatay.
Noong 2008, excited na si Tatay sa nalalapit nyang pag 60 years old kase nga senior citizen na daw sya, may SSS pension, may ID at mabibilihan daw nya ng bagong TV si Nanay (di na sya nagwo-work sa ibang kumpanya mula ng magsara yong company nila). Niloloko pa nga namen na kala mo napaka-laki ng pension na makukuha nya. But anyways, isa pa sa katangian ng Tatay ko ang "arts" nasa lahi siguro. Madalas syang mapagalitan ni Nanay kase ay gumagawa ng landscape kahit sa kainitan ng araw, bawal na nga sa kanya dahil na-stroke na. Isa pa din yan sa madalas nilang pagtalunang mag-asawa, dahil matigas ang ulo ng Tatay ko.
December 2008, nagkaroon ng plano na magkakaroon ng Christmas Presentation ang mga kabataan sa neighborhood. Since na wala akong trabaho that time, isa ako sa mga organizers. Isa ako sa mga magtuturo ng Silent Praise sa Kids Division. For the fast weeks super busy ako sa pagtuturo sa mga kids because our target date is December 21. Dumating ang December 19, 2008, Christmas Party ng eldest daughter ko sa school, sumama ako together with my other younger daughter. Pagdating ko, nakita ko si Tatay nakaupo sa tricycle nya katabi yong youngest brother ko. Sabi ko pa sa kanya noon saan ba pwedeng ilagay yong Christmas decor na uwe namen? On the afternoon, start na naman nameng mag-practice kase nga two days na lang Christmas Presentation na. Sa totoo lang mahirap magturo sa mga kids lalo na at karamihan sa kanila ay pasaway pa. Siguro dala na din ng stress at pressure naging masungit at maikli na din ang pasensya ko. Natatandaan ko, sabi ng Tatay ko: "Marissa bakit di mo muna patulugin yang mga bata tutal hapon pa?" Feeling ko that time, nairita ako kase nagmamadali na nga kame pero eto naman Tatay ko gusto pauwein mga bata at magsitulog muna. Nasagot ko sya na "Huwag na kase kayo makialam, alam ko naman gagawin ko." Umakyat na sya sa taas at nagpahinga. Dumating din noon ang sister ko hinahanap si Tatay. Makailang minuto lumabas ng bahay si Tatay at baka naiinip din dahil masama din ang kanyang pakiramdam.
December 19, 2008 busy na ako ka-pa-pratice sa mga kids, ng may pumunta sa amin para sabihin na ang Tatay ko daw ay inatake at dinala na sa hospital. Syempre nabigla kame, itinigil ko yong practice tinawagan ko si Nanay (may pinuntahan sya that time). Sumugod kame magkapatid sa Immaculate Hospital, nakita namen doon yon kapatid ng Tatay ko dahil sya ang kasama na maghatid sa hospital. Pagkakita nya sa amin, umiling na siya. "Patay na ang Tatay ko!" Mabilis kameng pumasok sa ER, doon nakita ko si Tatay, parang natutulog lang. Umiyak ako sobrang umiyak ng umiyak! Bakit ganon? Namatay yata sya na masama ang loob sa akin? Naisip ko sana di ko na lang pinagalitan...sana...sana...Sobrang nalungkot ang puso ko. Di ko man lang sya nasabihan ng "I Love You" never kaming nagsasabihan ng I Love you kase di malambing na tao ang Tatay ko. Pero deep in my heart kahit na palagi kameng nagtatalo Mahal ko ang Tatay ko.
December 19, 2008 exactly one month before his 60th Birthday...Namatay si Tatay. Sana noong January 19, 2009 nai-celebrate namen ang kanyang Senior Year...excited pa naman sya! But anyways pinagpapasalamat na lang namen sa Diyos na hindi sya pinahirapan. At tino-totoo nya promise nya kay Nanay na di sya magiging pabigat sa kanya. That was the first Christmas na di namen sya kasama. December 21, 2008 nagkaroon ng Christmas Presentation, de-dedicated ko yon para sa kanya.
Where ever you are...I LOVE YOU TATAY!!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento