Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Marso 10, 2011

"Essence of a Woman"

    What is the essence of a woman? Ito ang madalas na itanong sa mga beauty pageants. Ano nga ba ang kabuluhan ng isang babae? Siguro karamihan ng kababaihan ang isasagot dito ay: "The essence of a woman is when she bear child inside her womb." Paano yong mga kababaihan na walang kakayanan na magdala ng sanggol sa kanyang sinapupunan? Wala bang kabuluhan ang pagiging babae nila? Oo, tama ang inyong kasagutan hindi yata biro ang magdala ng sanggol sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Ngunit sa ganang akin hindi lamang sa pagbubuntis masasabi ang kabuluhan ng pagiging isang babae. 

Ito ang opinyon ko:
    Babae ako! Hindi babae lang po ako! Babae ako! Ito ang dapat na ipagsigawan ng mga kababaihan. Yong maipakita ang karapatan natin, kapantay ng sa mga kalalakihan. May karapatang pumasok sa eskwela, makapagtrabaho, makaboto, mamuno sa isang organisasyon o pampublikong tanggapan kung kinakailangan. At sa usaping pag-ibig, may karapatang pumili ng lalaking makakasama sa habang-buhay. May karapatang magtakda kung ilan ang magiging anak. May karapatang magdesisyon sa usaping pampamilya. Kung ang lahat ng karapatang ito ay ating tinatamasa at ipinaglalaban masasabi natin: Ito ang "essence of a woman". We are not second class citizen. We are equally created by God. 
 
 


Lunes, Pebrero 28, 2011

"I'm a Working Mom"

Malaki na ang kaibahan ng buhay noon at ngayon, ang mga kababaihan ay hindi na lamang sa bahay. Sabi nga nila, sa panahon ngayon dapat ay magkatuwang na ang mag-asawa sa pagtataguyod ng pamilya. Kabilang na ako sa tinaguriang "working mom", katuwang ng asawa sa pagtataguyod ng pamilya. It's my choice...gusto ko din kasing mag-explore. Naranasan ko din ng ilang taon ang maging plain housewife. Pero ano nga ba ang kaakibat ng pagiging "working Mom?"
I'm a working student (McDo) back then in college, kaya sana'y ako na may sariling income. After college nagwork ako sa Quorum Lanier Services hanggang sa mag-asawa at magkaroon ng anak si Pia noong 2002. Hindi ako naging hands-on sa panganay ko dahil nagwo-work ako that time. Noong ma-retrench ako noong 2004, sabi ko sa sarili ko bigyan ko ng time ang anak ko na maalagaan at maging full time mommy. Naging mahirap ang adjustment dahil sanay ako na always on the go. But eventually nasanay na din ako sa ganoong set-up, personal ko na-attend ang needs ng anak ko. Opportunity knocked  last 2005, back to work again this time sa Ortigas Center, I'm happy but at the same time sad kase nasanay na din ako na nag-aalaga ng anak. Pero noong 2006 nag-resigned ako sa work, nagdecide ako na alagaan ko uli si Pia at dumating naman ang 2nd child namen. November 30, 2006 I gave birth to Nia. This time naging full time mom na talaga ako. Kahit noong pumasok na si Pia ng nursery  hatid sundo ko sya sa school. Nakakatuwa pa at kasama pa sya sa honor roll. Yan ang advantage ng pagiging hands on mommy, alaga ang bata pati sa pag-aaral nya. For almost three years daily routine ko bahay, school, anak at asawa, paminsan minsan nagbi-business din. Nakita ko yong developments sa mga anak ko pati achievements sa school ng panganay ko. Nakakatuwa dahil naiparanas ko sa anak ko yong ako bilang Mommy ang nakikita ni Teacher sa meeting, kumukuha ng report card. Dahil ang ganitong bagay di ko naranasan dahil si Nanay abala sa trabaho si Tatay ang present sa school activity.
2009 opportunity knocked again...this time naisip ko why not should I give it a try?   Mahirap na ang buhay kailangan tumulong ako sa asawa ko, kase 7 years old na si Pia at 3 years old na si Nia malaki na sila. I worked as an admin assist. in a commercial building here in Pasig. Nakakatawa kase one month pa lang ako nagwo-work nagbuntis naman ako. Hay grabe! Nahirapan ako tanggapin ang sitwasyon ko dahil syempre bago pa lang ako. Pero siguro nga nakalaan para sa akin ang work na ito, pinagbigyan ako ng boss ko.  I gave birth on February 17, 2010 tuloy pa din ang work ko. Thank you Lord!
 
Ano ba ang kaakibat ng pagiging "working mom?"
Yes I earned for my family. But...
 
I'm not the first one to witness the first laughter of my youngest Ria. I'm not with her during immunization. Often times, di ko nawi-witness ang kanyang first time. :-(

First school year ni Nia nursery na ang second child ko, di ko na-experience kay Nia ang mag-attend ng meeting o kumuha ng report card. Pero I make sure naman na sa mga assignments at lessons tinuturuan ko sya sa gabi.

At sa panganay ko...si Pia 8 years old mas lamang ang play time dahil hindi ko na din masyado na-su-supervise. Pati pag-aaral na-apektuhan na...wala na sa honor roll. Matigas pa ang ulo...

Iba talaga ang hands on Mommy...
Pero kailangan ko din naman ang mag-work para sa kanila. Naibibigay naman ng hubby ko ang kailangan ng mga anak namen pero iba pa rin talaga kung may katulong sa pagtataguyod ng pamilya.

Minsan nasabi ni Nia: "Mommy pag-wala kang work alagaan mo kame ha?"

Naalala ko tuloy noong bata pa ako, naiinggit ako sa mga classmates ko kase sila hatid at sundo ng "Nanay" nila. Sabi ko sa sarili ko, sana ako din.
Ngayon...parang HISTORY REPEAT ITSELF!




 

Linggo, Pebrero 20, 2011

Si Tatay

Bata pa kame, tatlong pa lang kameng magkakapatid noon si Tatay na ang madalas nameng kasama sa bahay. Si Nanay kase ay nagtatrabaho, at si Tatay naman ay namamasada ng kanyang tricycle. Kapag may meeting sa school si Tatay ay uma-attend. In short mas mahaba ang time na siya ang kasama namen kumpara sa Nanay namen. 
Pero lumaki kame na si Tatay ay taga-disiplina, bawal kame makipagpalaro sa kalye, bawal kame makitulog (sleepover) sa bahay ng mga pinsan, bawal kameng lumaboy ng lampas ng 6pm. Bilang bata, syempre nakakainis di ba? Pero ang kagandahan sa kanya galante sa aming magkakapatid. Mas madali kameng makahingi ng pera kumpara sa Nanay namen. 
Noong lumalaki na kame at naging apat na magkakapatid, nagsimula na din na sumasagot-sagot ako sa kanya. May mga bagay kase sya na para sa akin ay taliwas sa paniniwala ko. Natuto na akong sumagot o mangatwiran sa kanya. Sabi nga nila kapag sumasagot ako pwede daw ako maging attorney paglaki ko dahil palasagot ako. Pero I'm proud to say na never kong minura ang magulang ko, siguro lang ako yong tipong kailangan ko sumagot kung sa isip ko tama naman ang sasabihin ko. Ganyan naman tayo di ba? At isa pa noon time natin, kapag nangatwiran ka sa magulang ay mortal sin....
Hanggang sa kame ay naging teenagers na, lagi kameng magkatalo ni Tatay. In short palagi kame magka-kontra pelo. Iyon siguro ang dahilan kaya di kame naging super close ni Tatay, sya masungit ako naman palasagot. hehehehe
Yong ganong set up normal na sa amin iyon, dahil pareho nameng hindi dinidibdib ang mga di namen pagkakasundo. Noong may work na ako, binibigyan ko sya ng pera kapag may mga occassions sine-celebrate namen. Basta kahit di kame super close masasabi ko naman na di rin ako magka-away. 
Kahit noong mag-asawa na ako, sa kanila pa din ako nakatira (3rd floor kame pinatira sarili lahat). May mga pagkakataon pa rin na di kame magkasundo, especially noon ma-stroke sya, lalo syang masungit at mairitahin. Ewan ko ba naman din sa aken, pumapatol ako sa bad moods ni Tatay.
Noong 2008, excited na si Tatay sa nalalapit nyang pag 60 years old kase nga senior citizen na daw sya, may SSS pension, may ID at mabibilihan daw nya ng bagong TV si Nanay (di na sya nagwo-work sa ibang kumpanya mula ng magsara yong company nila). Niloloko pa nga namen na kala mo napaka-laki ng pension na makukuha nya. But anyways, isa pa sa katangian ng Tatay ko ang "arts" nasa lahi siguro. Madalas syang mapagalitan ni Nanay kase ay gumagawa ng landscape kahit sa kainitan ng araw, bawal na nga sa kanya dahil na-stroke na. Isa pa din yan sa madalas nilang pagtalunang mag-asawa, dahil matigas ang ulo ng Tatay ko.
December 2008, nagkaroon ng plano na magkakaroon ng Christmas Presentation ang mga kabataan sa neighborhood. Since na wala akong trabaho that time, isa ako sa mga organizers. Isa ako sa mga magtuturo ng Silent Praise sa Kids Division. For the fast weeks super busy ako sa pagtuturo sa mga kids because our target date is December 21. Dumating ang December 19, 2008, Christmas Party ng eldest daughter ko sa school, sumama ako together with my other younger daughter. Pagdating ko, nakita ko si Tatay nakaupo sa tricycle nya katabi yong youngest brother ko. Sabi ko pa sa kanya noon saan ba pwedeng ilagay yong Christmas decor na uwe namen? On the afternoon, start na naman nameng mag-practice kase nga two days na lang Christmas Presentation na. Sa totoo lang mahirap magturo sa mga kids lalo na at karamihan sa kanila ay pasaway pa. Siguro dala na din ng stress at pressure naging masungit at maikli na din ang pasensya ko. Natatandaan ko, sabi ng Tatay ko: "Marissa bakit di mo muna patulugin yang mga bata tutal hapon pa?" Feeling ko that time, nairita ako kase nagmamadali na nga kame pero eto naman Tatay ko gusto pauwein mga bata at magsitulog muna. Nasagot ko sya na "Huwag na kase kayo makialam, alam ko naman gagawin ko."  Umakyat na sya sa taas at nagpahinga. Dumating din noon ang sister ko hinahanap si Tatay. Makailang minuto lumabas ng bahay si Tatay at baka naiinip din dahil masama din ang kanyang pakiramdam.
December 19, 2008 busy na ako ka-pa-pratice sa mga kids, ng may pumunta sa amin para sabihin na ang Tatay ko daw ay inatake at dinala na sa hospital. Syempre nabigla kame, itinigil ko yong practice tinawagan ko si Nanay (may pinuntahan sya that time).  Sumugod kame magkapatid sa Immaculate Hospital, nakita namen doon yon kapatid ng Tatay ko dahil sya ang kasama na maghatid sa hospital. Pagkakita nya sa amin, umiling na siya. "Patay na ang Tatay ko!" Mabilis kameng pumasok sa ER, doon nakita ko si Tatay, parang natutulog lang. Umiyak ako sobrang umiyak ng umiyak! Bakit ganon? Namatay yata sya na masama ang loob sa akin? Naisip ko sana di ko na lang pinagalitan...sana...sana...Sobrang nalungkot ang puso ko. Di ko man lang sya nasabihan ng "I Love You" never kaming nagsasabihan ng I Love you kase di malambing na tao ang Tatay ko. Pero deep in my heart kahit na palagi kameng nagtatalo Mahal ko ang Tatay ko. 
December 19, 2008 exactly one month before his 60th Birthday...Namatay si Tatay. Sana noong January 19, 2009 nai-celebrate namen ang kanyang Senior Year...excited pa naman sya! But anyways pinagpapasalamat na lang namen sa Diyos na hindi sya pinahirapan. At tino-totoo nya promise nya kay Nanay na di sya magiging pabigat sa kanya. That was the first Christmas na di namen sya kasama. December 21, 2008 nagkaroon ng Christmas Presentation, de-dedicated ko yon para sa kanya.
Where ever you are...I LOVE YOU TATAY!!!!

 
 

Biyernes, Pebrero 18, 2011

May Blog na Ako

I would like to thank Ogie Diaz because of him na-inspire ako to make my own Blog. When I was young (pero syempre young pa rin naman ako), I wanted to become of a journalist or writer. I want to share my views and opinions on politics, current events, lovelife, parenthood among others. Now that I have my own Blog, I am no longer a frustrated writer or journalist. Pwede ko ng isulat what ever comes in my mind. So this is it! This is really is it! More to come...