Malaki na ang kaibahan ng buhay noon at ngayon, ang mga kababaihan ay hindi na lamang sa bahay. Sabi nga nila, sa panahon ngayon dapat ay magkatuwang na ang mag-asawa sa pagtataguyod ng pamilya. Kabilang na ako sa tinaguriang "working mom", katuwang ng asawa sa pagtataguyod ng pamilya. It's my choice...gusto ko din kasing mag-explore. Naranasan ko din ng ilang taon ang maging plain housewife. Pero ano nga ba ang kaakibat ng pagiging "working Mom?"
I'm a working student (McDo) back then in college, kaya sana'y ako na may sariling income. After college nagwork ako sa Quorum Lanier Services hanggang sa mag-asawa at magkaroon ng anak si Pia noong 2002. Hindi ako naging hands-on sa panganay ko dahil nagwo-work ako that time. Noong ma-retrench ako noong 2004, sabi ko sa sarili ko bigyan ko ng time ang anak ko na maalagaan at maging full time mommy. Naging mahirap ang adjustment dahil sanay ako na always on the go. But eventually nasanay na din ako sa ganoong set-up, personal ko na-attend ang needs ng anak ko. Opportunity knocked last 2005, back to work again this time sa Ortigas Center, I'm happy but at the same time sad kase nasanay na din ako na nag-aalaga ng anak. Pero noong 2006 nag-resigned ako sa work, nagdecide ako na alagaan ko uli si Pia at dumating naman ang 2nd child namen. November 30, 2006 I gave birth to Nia. This time naging full time mom na talaga ako. Kahit noong pumasok na si Pia ng nursery hatid sundo ko sya sa school. Nakakatuwa pa at kasama pa sya sa honor roll. Yan ang advantage ng pagiging hands on mommy, alaga ang bata pati sa pag-aaral nya. For almost three years daily routine ko bahay, school, anak at asawa, paminsan minsan nagbi-business din. Nakita ko yong developments sa mga anak ko pati achievements sa school ng panganay ko. Nakakatuwa dahil naiparanas ko sa anak ko yong ako bilang Mommy ang nakikita ni Teacher sa meeting, kumukuha ng report card. Dahil ang ganitong bagay di ko naranasan dahil si Nanay abala sa trabaho si Tatay ang present sa school activity.
2009 opportunity knocked again...this time naisip ko why not should I give it a try? Mahirap na ang buhay kailangan tumulong ako sa asawa ko, kase 7 years old na si Pia at 3 years old na si Nia malaki na sila. I worked as an admin assist. in a commercial building here in Pasig. Nakakatawa kase one month pa lang ako nagwo-work nagbuntis naman ako. Hay grabe! Nahirapan ako tanggapin ang sitwasyon ko dahil syempre bago pa lang ako. Pero siguro nga nakalaan para sa akin ang work na ito, pinagbigyan ako ng boss ko. I gave birth on February 17, 2010 tuloy pa din ang work ko. Thank you Lord!
Ano ba ang kaakibat ng pagiging "working mom?"
Yes I earned for my family. But...
I'm not the first one to witness the first laughter of my youngest Ria. I'm not with her during immunization. Often times, di ko nawi-witness ang kanyang first time. :-(
First school year ni Nia nursery na ang second child ko, di ko na-experience kay Nia ang mag-attend ng meeting o kumuha ng report card. Pero I make sure naman na sa mga assignments at lessons tinuturuan ko sya sa gabi.
At sa panganay ko...si Pia 8 years old mas lamang ang play time dahil hindi ko na din masyado na-su-supervise. Pati pag-aaral na-apektuhan na...wala na sa honor roll. Matigas pa ang ulo...
Iba talaga ang hands on Mommy...
Pero kailangan ko din naman ang mag-work para sa kanila. Naibibigay naman ng hubby ko ang kailangan ng mga anak namen pero iba pa rin talaga kung may katulong sa pagtataguyod ng pamilya.
Minsan nasabi ni Nia: "Mommy pag-wala kang work alagaan mo kame ha?"
Naalala ko tuloy noong bata pa ako, naiinggit ako sa mga classmates ko kase sila hatid at sundo ng "Nanay" nila. Sabi ko sa sarili ko, sana ako din.
Ngayon...parang HISTORY REPEAT ITSELF!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento